PARIS (AP) — Nabalahaw ang inaasahang duwelo sa semifinal nina defending champion Novak Djokovic at Rafael Nadal sa French Open nang mapatalsik ang Serbian star ni No.6 Dominic Thiem ng Australia, 7-6 (5), 6-3, 6-0, sa quarterfinal ng French Open nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Sa nakalipas na season, nakumpleto ni Djokovic ang career Grand Slam sa Roland Garros. Ngayong taon, sa mapaghamong clay court natuldukan ang pamamayagpag ni ‘Nola’.

Sa harap ng mga tagahanga at bagong coach sa si Andre Agassi, nasayang ni Djokovic ang dalawang set point sa first set. Nagtamo siya ng 35 unfoced errors at kapansin-pansin ang pagkakalat niya sa backhand shot.

“It’s amazing for me,” sambit ni Thiem. “To beat him for the first time in the quarters of the French Open is a dream.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi natupad ang inaasaman ng marami, ngunit ang 23-anyos na si Thiem ang nakasungkit ng pagkakataon para hadlangan si Nadal sa target na ika-10 French Open title.

“You have to play the best guys round after round. It’s not getting easier on Friday,” aniya.

Sa record, tanging si Thiem ang tanging nakagapi kay Nadal sa clay court ngayong season nang manalo sa quarterfinal ng Italian Open nitong Mayo.

Umusad si Nadal sa record 10th French Open semifinal nang patalsikin si No. 20 Pablo Carreno Busta ng Spain via retired (6-2, 2-0).

Nakatakdang magharap sa hiwalay na quarterfinals match sina 2016 runner-up Andy Murray at No. 8 Kei Nishikori, gayundin sina 2015 champion Stan Wawrinka vs. No. 7 Marin Cilic.