Idineklara na kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na “case closed” ang trahedya sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde sa gitna ng paggulong ng imbestigasyon ng Kamara kahapon.
Ayon kay Albayalde, sarado na ang nasabing kaso dahil kabilang sa mga nasawi ang suspek na kinilalang si Jessie Carlos.
Samantala, nilinaw ng opisyal na bagamat maituturing na sarado na ang kaso, hindi pa rin, aniya, dapat balewalain ang imbestigasyon lalo na kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima laban sa security agency at sa hotel and casino. (Bella Gamotea)