NAG-UUSAP ngayon ang Pilipinas at ang European Union (EU) para sa posibleng ayudang pangkaunlaran, partikular na para sa Mindanao, ayon kay EU Ambassador Franz Jessen.

Ito ay sa kabila ng inihayag ng gobyerno ng Pilipinas na hindi na tatanggap pa ang bansa ng tulong mula sa European Union.

Sa aktibidad na bahagi ng Fostering Partnership for Sustainability Through Education sa isang hotel sa Ortigas kamakailan, sinabi ni Jessen na patuloy na nakikipagtulungan ang European Union sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa mga proyekto at programa na nakatuon sa kaunlaran.

“We have an ongoing dialogue with the government. And within that, we are focusing on the different sectors, particularly to support the peace process in Mindanao, and we do that with different actions,” sinabi ni Jessen sa mga mamamahayag.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Dagdag niya, kabilang sa mga pinupuntiryang ayudang pangkaunlaran ng European Union sa Mindanao, sa pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas, ay kinabibilangan ng paglikha ng trabaho, pagsusulong ng sustainable energy, at pagkakabit ng kuryente sa malalayo at liblib na lugar.

“The amount is not determined yet but we are looking at a very substantial contribution to that,” sabi ni Jessen, idinagdag na kapag nagkakaloob ng tulong ang Europa sa Pilipinas ay wala silang inilalatag na anumang kondisyon.

“We don’t have grants with specific conditions. There’s something to be misunderstanding on that,” paliwanag niya.

Ayon kay Jessen, gaya ng iba pang donor, tinitiyak ng European Union na may mga partikular na target at updates na kinakailangang maisakatuparan.

“What we have is, as all other donors of course, when we provide grants, there will be title that this will go to this sector, and there are specific actions under that. And of course, we do not come with a sack of money and we gave that and we say you can do whatever you want,” sabi ni Jessen.

“There will always be terms of reference for the assistance.

“So, it’s a general condition that other countries also signed up without any big conditions. And for the Philippines, because nothing specific for the Philippines, it is we called general conditions,” paliwanag pa ng envoy.

Aniya, ang lahat ng ayudang pangkaunlaran ay sumasailalim sa pagsusuri at ebalwasyon upang matiyak na ang mga tulong pinansiyal ay hindi mababahiran ng kurapsiyon. (PNA)