Posibleng sa Pilipinas muli gaganapin ang 2017 Miss Universe pageant.

Sa press briefing kahapon, inihayag ni Tourism Undersecretary Kat de Castro na tumawag sa kanila ang mga organizer ng prestihiyosong beauty pageant at itinanong kung maaaring sa Pilipinas muli idaos ang susunod na Miss Universe.

Nakatakda diumanong dumating sa Biyernes ang mga organizer upang talakayin ang posibleng back-to-back hosting ng patimpalak sa bansa, at dumalo na rin sa isang charity event.

“Pag-uusapan pa lang namin but the good thing about this one is sila mismo ang lumapit sa Department of Tourism if they can have Miss Universe done here in the Philippines,” ani De Castro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Posibleng malalaman sa isang buwan kung sa Pilipinas nga muli idaraos ang Miss Universe pageant.

Matatandaang nitong Enero lamang ay idinaos sa bansa ang 2016 Miss Universe pageant kung saan inilipat ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang korona kay reigning Miss Universe Iris Mittenaere.

Nakatakdang idaos sa Nobyembre ang 2017 Miss Universe, at ang Filipino-British beauty na si Rachel Peters ang kakatawan sa Pilipinas. (Mary Ann Santiago)