MULING maggagawad ng parangal si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga katangi-tanging Filipino artists na nagpamalas ng kakaibang galing sa larangan ng arkitektura, pagpipinta at iba pang uri ng sining.

Pangungunahan ni Estrada, na isa ring multi-awarded actor, ang paggawad ng taunang “Patnubay ng Sining at Kalinangan Awards” sa isang linggong selebrasyon ng ika-446 na taon ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24.

“It will be a great honor once again to recognize outstanding personalities who have distinguished themselves in different fields of visual arts and have contributed to the development of Filipino traditional arts and culture,” pahayag ni Erap.

Ang Patnubay ng Sining at Kalinangan Awards ay iginagawad taun-taon sa mga personalidad sa larangan ng sining. Ang ilan sa mga tumanggap na nito ay sina Nora Aunor at Eddie Garcia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang architecture, sculpture, dance, theater, painting, music, new art form, literature, at cinema. (MARY ANN SANTIAGO)