UNITED NATIONS (AP) – Binuksan ni Secretary-General Antonio Guterres ang unang kumperensiya ng United Nations para sa karagatan sa babala na “under threat as never before” ang lifeblood ng planeta, binanggit ang isang bagong pag-aaral na nagsasabing maaaring mas marami pang basurang plastic ang mahahango sa dagat kaysa mga isda pagsapit ng 2050 kapag walang ginawang hakbang ang mga gobyerno.

Sinabi Guterres sa mga president, minister, diplomat at environmental activist mula sa halos 200 bansa nitong Lunes na ang karagatan ay labis na sinisira ng polusyon, overfishing, mga epekto ng climate change at ng basura.

“We must put aside short-term national gain to prevent long-term global catastrophe,” sabi ng secretary-general.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'