LAS VEGAS (AP) — Ispesyal ang Last vegas fight debut ni Gennady Golovkin sa pagharap niya sa pamoso ring si Canelo Alvarez sa middleweight title showdown na itinututing pinakamalaking laban mula nang maganap ang duwelo nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao may dalawang taon na ang nakalilipas.

Ipinahayag ng promoter ng magkabilang kampo nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na magaganap ang pinakahihintay na laban sa Setyembre 16 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas Strip.

“It was a hard decision because there was so much interest from other venues,” sambit ni Tom Loeffler, promoter ni Golovkin. “It’s just the right time for Gennady to be in Las Vegas and make a big splash.”

Tangan ni Golovkin, knockout artist mula sa Kazakhstan, ang malinis na 37-0 karta sa pagdepensa sa middleweight title laban kay Alvarez, ang pinakasikat na fighter ngayon na nagmula sa Mexico.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Galing si Alvarez sa impresibong panalo kontra sa kababayang si Julio Cesar Chavez Jr. nitong Cinco de Mayo sa Las Vegas.

“Everybody wants to go to Vegas, have a great time and watch a great fight,” pahayag ni Oscar De La Hoya, promoter ni Alvarez.

Matagal nang kinakampan ya ni Golovkin, tanyag bilang Triple G, ang laban kontra kay Alvarez, ngunit nito lamang nagkaayos matapos ang tagumpay ng Mexican kay Chavez sa pay-per-view fight sa T-Mobile Arena.

“We had to wait for a long time,” sambit ni Loeffler. “It was frustrating having a champion willing to fight anybody who still found it virtually impossible to get top names in the ring with him.”

Galing naman si Golovkin sa pahirapang decision kontra Daniel Jacobs nitong Marso sa Madison Square Garden.

“I made Triple G versus Canelo in order to bring back those fans and give fight fans a real fight,” sambit ni De La Hoya.