Elizabeth Oropesa 2 copy copy

KAHIT kaalyado ni Presidente Rodrigo Duterte, hindi bulag si Elizabeth Oropesa sa mga pagkukulang ng gobyernno at mga ipinangako ni Pres. Rody na hindi pa natutupad.

Pero naniniwala ang aktres na bago magtapos ang termino ni Pres. Duterte, matutupad ang lahat ng campaign promises nito.

May mga sinasabi rin ang presidente na hindi gusto ni Elizabeth at isa na rito ang paulit-ulit na rape jokes.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Sana itigil na niya ang rape jokes. That’s very unbecoming of a president of the country. Sana may makapagsabi sa kanya na enough of those rape jokes. On the other hand, nakikita ang effort niyang mapaganda ang buhay ng mga Pilipino. As long as he loves the country and the Filipino people, he will have my support. Kapag nagkaroon ako ng chance na makausap si President Rody, ang pagpatigil sa rape jokes ang una kong babanggitin sa kanya,” sabi ni Elizabeth.

Nabanggit din ni Elizabeth sa presscon ng Impostora na kung aalukin siya ng posisyon sa gobyerno, tatanggihan niya.

Bukod sa ayaw niya ng politics, ayaw niyang masabihan na kaya nagkaroon ng puwesto dahil supporter siya ng presidente.

“Gusto ko if ever mabigyan ako ng government position dahil qualified ako at hindi sa anumang rason. Pero hindi ako kontra sa mga taga-showbiz na may government position ngayon. Ang maipapayo ko lang sa kanila, pagbutihin nila ang trabaho para walang masabi ang tao,” patuloy ni Elizabeth.

Samamtala, kahit hindi si Elizabeth ang pinakabida sa Impostora, nape-pressure pa rin siya. Ito’y dahil siya ang senior sa cast at marami siyang acting awards. Alam niyang panonoorin ng tao kung siya pa rin ang dating Elizabeth Oropesa na panalo sa aktingan.

Sa June 19, ang pilot ng Impostora na gumaganap si Elizabeth bilang si Denang, ang adoptive mother ni Nimfa (Kris Bernal). Mula ito sa direksiyon ni Albert Langitan. (NITZ MIRALLES)