070617_ceu_01 copy

Patas na kumpetisyon ang naging motivation ng 22-anyos na Dentistry Licensure Examination topnotcher ngayong taon na mula sa Centro Escolar University (CEU)-Manila.

Aminado si Alexa Tajud na hindi siya gaanong nag-excel sa pag-aaral noong siya ay nasa elementary at high school, kahit pinipilit niyang makasama sa honor roll.

“Naging studious ako kasi na-pressure ako dahil nung high school, hindi naman talaga ako nag-e-excel,” pag-amin ni Tajud. “Pagpasok ko sa CEU, nalagay ako sa Section A, puro Valedictorian at Salutatorian. Naisip ko nun, kung kaya nila, kaya ko rin.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi ni Tajud na ang nanay niya ang unang nakaalam na siya ang nanguna sa exam sa average na 86.04.

“Hindi po agad nag-sink in sa akin pero hindi na po ako makakain. Hindi ako nag-lunch, hindi ako nag-dinner,” balik-tanaw ni Tajud.

Sinabi niya na dumoble ang kanyang kasiyahan nang malaman niyang tatlo sa kanyang blockmates sa CEU Manila ang pasok din sa top 10. Pumangatlo si Francisco Beria, Jr. (84.34), pang-apat si Sandi Santiago (84.20), at panglima si Noni Gallenito (83.17).

Sinabi ni Tajud na kasama niya sa circle of friends sina Beria at Gallenito at sila ang nagsimulang gumawa ng typewritten reviewers para sa bawat subject.

“Healthy competition po kami. Kumbaga, nililift up po namin ‘yung isa’t isa,” aniya.

BLESSING IN DISGUISE

Sa kabila ng pagkakaroon ng supportive na grupo, sinabi ni Tajud na hindi siya nakaiwas sa mga pagsubok, gaya ng distraction sa social media. Ngunit ilang buwan bago ang exam, sinabi ni Tajud na na-hack ang kanyang Facebook account, na naging blessing in disguise para sa kanya dahil mas natutukan niya ang pagre-review.

“I prayed for it naman na, ‘Lord, tatanggapin ko po kung ano ‘yung gagawin Ninyo para ma-achieve ko ‘yung goal ko’,” aniya.

Idinagdag niya na isa pang naging hamon sa kanya, hindi gaya ng kanyang mga kaibigan, na hindi matalas ang kanyang memorya.

Hanggang sa naisip niya na kailangan niyang alamin ang mga information nang paunti-unti.

“’Pag nagre-review, ‘wag mo na lang i-scan kasi mao-overwhelm ka lang sa kapal ng reviewer. Piece by piece na lang. Focus ka muna sa kaunti kasi mas maa-absorb mo ‘yun,” ani Tajud.

MAGPAHINGA AT MAGDASAL

Isa sa maging dahilan kung bakit naging matagumpay si Tajud, ayon sa kanya, ay ang oras para magdasal.

Bilang Adventist, anim na araw siyang nagre-review ngunit sinisigurong libre ang kanyang Sabado.

Nakatulong din umano sa kanya ang pagpapahinga.

“Mawawala ‘yung stress na na-build up within the week, so mas fresh ‘yung start mo the following week,” sabi ni Tajud. (Jaimie Rose R. Aberia)