LA TRINIDAD, Benguet - Kasong parricide ang isinampa ng Tuba Municipal Police laban sa selosong mister na pumatay sa asawa niyang dalawang buwang buntis sa Tuba, Benguet.

Sa pahayag ni Janet Parilla, kapatid ng biktima, iniwan niya nitong Sabado ng umaga sa kanilang bahay ang ate niyang si Jicky Reyes, 24; at asawang si Mark Angelo Reyes,29, kasama ang anim na taong gulang na babaeng anak ng mga ito.

Gayunman, pagbalik niya kinahapunan ay nadatnan niyang patay na ang kapatid.

Ayon kay Parilla, madalas mag-away ang mag-asawa dahil masyado umanong seloso ang asawa nito/

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Kuwento naman ni Rigoberto Limen, barangay tanod, isinumbong sa kanila ng isang concerned citizen ang paghingi ng saklolo ng isang bata dahil nag-aaway umano ang mga magulang nito.

Nang puntahan ni Limen ang bahay ay lumabas ang paslit at sinabing pinatay ng tatay niya ang kanyang nanay.

Batay sa naging pahayag ng suspek sa pulisya, matinding selos ang nag-udyok sa kanya upang patayin ang asawa, matapos niya umanong makita ang text message ng ibang lalaki sa cell phone nito. (Rizaldy Comanda)