Walang bago sa akusasyon ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II na si Senador Leila de Lima ang may kasalanan sa pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City noong Biyernes na ikinamatay ng may 38 katao.
Ayon kay De Lima, si Aguire dapat ang sisihin dahil tinulugan niya ang nangyaring sunog sa HTI sa Cavite Export Processing Zone noong Pebrero 1, na ikinamatay ng lima katao. “Just do your job. Stop blaming me,” banat ni De Lima.
Sinabi kasi ni Aguirre na kaya walang hurisdiksyon ang Bureau of Fire Protection (BFF) sa mga casino dahil sa legal opinion ni De Lima noong siya pa ang Justice secretary na saklaw ito ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
“The legal opinion did not specifically mention casinos as exempt from the jurisdiction of the BFP,” paglilinaw ni De Lima. (Leonel M. Abasola)