Isang siyam na taong gulang na babae ang napaulat na dinukot sa Jolo, Sulu nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu, dakong 7:40 ng gabi nitong Martes nang dukutin ang biktimang taga-Barangay San Raymundo sa Jolo.

Nabatid na nasa loob ng kanyang bahay ang paslit nang sapilitan siyang tinangay ng mga hindi nakilalang armadong lalaki at binitbit patungo sa Bgy. Bangkal sa Patikul, ayon kay Sobejana.

Aniya, nagtutulungan na ang Joint Task Force Sulu at ang pulisya upang mailigtas ang bata.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Sobejana, batay sa paunang impormasyon na ipinarating sa kanila, ang “Ajang-Ajang”—isang grupo ng kabataang adik sa lugar—ang tumangay umano sa paslit.

Hindi pa rin batid ang motibo sa kidnapping. (Francis T. Wakefield)