UNITED NATIONS (AP) – Binira ni US Ambassador to the UN Nikki Haley ang United Nations Human Rights Council, na tinawag nitong “forum for politics, hypocrisy and evasion”.

Sa kanyang unang pagbisita sa UNHRC, ginamit ni Haley ang academic forum sa Geneva para tukuyin ang dalawang reporma na isinusulong ng United States: ang paggamit ng competitive elections para pumili ng 47 miyembro ng council at tanggalin ang Israel bilang permanent member.

“Countries like Venezuela, Cuba, China, Burundi and Saudi Arabia occupy positions that obligate them to, in the words of the resolution that created the Human Rights Council, ‘uphold the highest standards’ of human rights,” aniya, tinukoy ang ilang miyembrong bansa. “They clearly do not uphold those highest standards.”

Ibinitin din ni Haley ang posibilidad na aalis ang U.S. sa council.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“In case after case, it has been a forum for politics, hypocrisy and evasion, not the forum for conscience that its founders envisioned,” aniya sa Graduate Institute sa Geneva. “If it fails to change, then we must pursue the advancement of human rights outside the council.”