CAMILING, Tarlac - Natangayan ng malaking halaga ang isang tindera ng bigas sa palengke sa Barangay Poblacion H sa Camiling, Tarlac, matapos siyang masalisihan ng hindi kilalang mamimili, nitong Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jexter Casongsong, natangay kay Lorna Casiño, nasa hustong gulang, may asawa, ng Bgy. Palimbo Caarosipan, Camiling, ang kanyang berdeng wallet na naglalaman ng P146,000 cash, SSS, voter’s at senior citizen IDs, at iba pang dokumento.

Dakong 9:00 ng umaga at abala sa pagbebenta ng bigas sa isang lalaki si Casiño nang ilapag niya sa mesa ang kanyang bag na kinuha ng hindi nakilalang suspek.

Nabatid naman ng pulisya na walang CCTV camera sa palengke. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog