MOCHA copy

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung naiinterbyu o nakakausap namin si Mocha Uson na hindi na member ng Movie and Television Review and Classification Board simula nang italaga bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kasi pala, naaaliw sila sa mga dating rant nito sa social media.

“Noong nasa MTRCB siya at sumusuweldo siya ng magkano... 40k or 60k a month, dino-document niya kung saan napupunta kasi sabi niya hindi niya kukunin ang suweldo niya, kasi itutulong niya. May mga document siya noong pino-post kung paano nagamit ang suweldo niya as MTRCB board member.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Eh, ngayon mas malaki na ang suweldo niya as Asec ng PCOO, more than 100k month na, asan na? Itutulong ba niya o ibubulsa na niya? Bakit parang hindi niya nabanggit kung saan mapupunta? Kasi before sabi niya, hindi siya kukuha ng suweldo sa gobyerno kasi purely tulong kay President Duterte ang pakay niya kaya niya sinuportahan. Eh, ngayong lumaki ang suweldo niya, asan na?

“Nagbago na ba ang isip ni Mocha kasi mas malaki na ang tatanggapin niya? Wala ba siyang planong itulong ito sa mga apektado sa Marawi City, sa mga batang gustong mag-aral pero hindi kaya? Dapat documented din lahat para alam ng taxpayers.

“Oo nga pala, pinasusuweldo natin si Mocha,” pahayag ng taong kilala sa movie industry at government agencies na ayaw magpabanggit ng pangalan. (Reggee Bonoan)