SINABI ni Nobel Prize winner Bob Dylan nitong Lunes na hindi gaya ng literatura ang kanyang mga komposisyon na dapat ay awitin at hindi basahin, pukawin ang mga tao at hindi kailangang may katuturan.

Ang desisyon ng Swedish Academy na igawad kay Dylan ang prize for literature noong nakaraang taon, dahil sa nilikha niyang “new poetic expressions within the great American song tradition” ay itinuturing na sampal sa ilang mainstream writers ng poetry at prose.

Sa kanyang Nobel lecture, sinabi ng notoriously media-shy na si Dylan na: “Our songs are alive in the land of the living. But songs are unlike literature. They’re meant to be sung, not read.”

“If a song moves you, that’s all that’s important. I don’t have to know what a song means. I’ve written all kinds of things into my songs. And I’m not going to worry about it – what it all means,” aniya sa kanyang talumpati na ipinost sa website ng Academy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ilang linggong nanahimik si Dylan, ang unang singer-songwriter na nanalo ng prize, tungkol sa award matapos itong ipahayag at hindi rin siya dumalo sa prize ceremony at banquet.

Ang mga Nobel laureate ay dapat na magbigay ng lecture sa loob ng anim na buwan simula sa December 10 award ceremony upang matanggap ang 8-million-crown ($900,000) prize. Hindi kailangang sa Stockholm ito isagawa.

Sa kanyang lecture, ikinuwento ni Dylan kung paano siya naimpluwensiyahan ng mga awitin nina Buddy Holly at Lead Belly noong kabataan niya at dinala sa mundong hindi pa niya napuntahan, at tinalakay ang tatlo sa kanyang mga paboritong libro: ang Moby Dick, All Quiet on the Western Front at The Odyssey.

“The speech is extraordinary and, as one might expect, eloquent. Now that the lecture has been delivered, the Dylan adventure is coming to a close,” wika ng secretary ng Swedish Academy na si Sara Danius sa isang pahayag.

Reuters