Alagad naman ng batas ang nalagasan ng miyembro.

Nalagutan ng hininga ang isang pulis nang barilin ng dalawang aarestuhing drug suspect sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital si PO2 Froilan Deocares, nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD), dahil sa tama ng bala ng cal. 9mm sa labi.

Nakatakas naman ang mga suspek na kinilala lamang sa alyas na “Ngongo,” at isang alyas “Tisoy,” na kapwa umano tulak ng droga sa kanilang lugar sa Pamasawata, Barangay 28, Caloocan City.

National

DS Ronaldo Puno, kinasuhan ng cyber libel si Rep. Kiko Barzaga

Sa imbestigasyon ni PO2 Noel Bollosa, dakong 7:45 ng gabi, sakay sa motorsiklo (PN-7604) si PO2 Deocares na minamaneho naman ni PO2 Rolando Tagay.

Palihim nilang sinundan sina “Ngongo” at “Tisoy” na lulan din sa motorsiklong walang plaka.

Pagsapit sa C3-Road, sa panulukan ng Torcillo Street, Bgy. 28, Caloocan City, nakatunog umano ang mga suspek kaya pinaputukan ang awtoridad.

Nahulog mula sa motorsiklo si PO2 Deocares habang hindi umatras at nakipagbarilan si PO2 Tagay sa mga suspek ngunit nakatakas ang mga ito. (Orly L. Barcala)