PARIS (AP) – Naunsiyami ang posibleng semifinal showdown nina Rafael Nadal at Novak Djokovic nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa French Open bunsod ng pag-ulan.

Napilitan ang organizers na iurong ang iskedyul sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) nang hindi tumila ang ulan at hindi na magamit ang Roland Garros stadium.

Nakatakdang harapin ni Nadal, nine-time French Open champion, si No. 20 Pablo Carreno Busta; habang sasagupain ng defending champion na si Djokovic si No. 6 Dominic Thiem sa rematch ng 2016 semifinal.

Magtutuos naman sina 2016 runner-up Andy Murray at No. 8 Kei Nishikori; maglalaban sina 2015 champion Stan Wawrinka at No. 7 Marin Cilic sa hiwalay na quarterfinal duel. Naunsiyami rin ang nalalabing dalawang laro sa women’s quarterfinals sa pagitan nina No. 2 Karolina Pliskova ng Czech Republic kontra No. 28 Caroline Garcia, gayundin ang duwelo nina No. 3 Simona Halep ng Romania at No. 5 Elina Svitolina ng Ukraine sa rematch ng nakalipas na Italian Open final na pinagwagihan ni Svitolina.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ni Nadal ang 3-0 bentahe sa head-to-head duel kay Carreno Busta.

“I’m sure he’s going to be as motivated as ever, so I expect him to come out and really play his best,” sambit ni Djokovic.