amal at george copy

LOS ANGELES (reuters) – Nagsilang si Amal Clooney nitong Martes ng kambal, isang lalaki at isang babae, panganay at pangalawang anak ng international human rights lawyer at ng kanyang asawang movie star.

“This morning Amal and George welcomed Ella and Alexander Clooney into their lives. Ella, Alexander and Amal are all healthy, happy and doing fine,” pahayag ng publicist ni George Clooney na si Stan Rosenfield.

Pabiro niyang idinugtong sa email na, “George is sedated and should recover in a few days.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ikinasal sina Amal Clooney, 39, at ang 56-anyos na Oscar-winning star ng mga pelikulang kinabibilangan ng Ocean’s Eleven at Three Kings sa Italy noong 2014, at naging isa sa pinakamalaking celebrity couple sa mundo.

Hindi binanggit ni Rosenfield kung saan isinilang ang kambal ngunit ang namimirmihan ang mag-asawa kamakailan sa England, na mayroon silang bahay.

Nanahimik ang mag-asawa habang nagbubuntis si Amal, at ilang buwang itinago ang balita bago ito kinumpirma noong Pebrero ng matalik na kaibigan ng aktor na si Matt Damon.

Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Amal bilang human rights lawyer, nagtalumpati sa United Nations noong Marso at hinimok ang pandaigdigang komunidad na imbestigahan ang mga krimeng nagawa ng Islamic State in Syria and Iraq (ISIS o IS).

Ilang buwan na naging palahulaan sa celebrity news media ang gender ng kambal, kung saan sila isisilang at kung saang bansa palalakihin.

Nitong Martes, napuno ang social media ng congratulatory messages at kabilang ang “Ella and Alexander” sa top trending topics sa Twitter sa United States.

Pinuri ng maraming contributor ang napiling pangalan ng kambal na refreshingly normal departure mula sa trend ng celebrity babies na binigyan ng mga pangalang Apple, Audio, Bronx, North West at Rocket.

“Good lord, the Clooneys have given their twins lovely ordinary names. Shocking. And they call themselves celebrities...,” sulat ng British journalist na si Nicola Jane Swinney sa Twitter.

Sa post sa Twitter ang komedyanteng si Ellen DeGeneres, sinabi nitong, “Congratulations, George and Amal, or as I’m now calling you, Ocean’s Four.”

Bumati rin ang aktres na si Mia Farrow at ang U.S. journalist na si Katie Couric.

Iniulat ng People magazine noong Martes na bumisita si dating U.S. President Barack Obama sa bahay ng mga Clooney sa London nitong Mayo 27.

Kinansela ni George ang kanyang pagbisita sa Armenia para sa humanitarian event nitong weekend, sinabi sa mensahe sa organizers na, “if I came there and my wife had twins while I was there, I could never come home.”