PARIS (AP) — Armado ng martilyo, inatake ng isang lalaki ang isang Paris police na nagbabantay sa Notre Dame Cathedral nitong Martes, sumigaw ng “This is for Syria!” bago mabaril at masugatan ng mga opisyal sa labas ng isa sa pinakabantog na tourist site sa France.
May 600 katao ang hinarang palabas ng iconic 12th century church habang tinitiyak ng pulisya ang seguridad sa mga kalye sa paligid, at isa-isang nirekisa ang mga bisita. Ang ilan ay tumakbo sa malawak na esplanade sa labas ng cathedral dahil sa takot mula.
Wala pang grupo na umaako sa pag-atake, habang inoobserbahan pa ang kalagayan ng sugatang suspek.
“A person came up behind the police officers, armed with a hammer, and started to hit the police officer,” sabi ni Interior Minister Gerard Collomb. Sumisigaw ang suspek na “This is for Syria” at lumalabas na nag-iisa lamang.