Rafael and Kris 3 copy copy

BEAUTY si Kris Bernal sa kanyang red long gown sa grand launch cum presscon ng Impostora, ang bagong afternoon prime serye na pinagbibidahan niya sa GMA-7.

Masaya ang presscon hosted ng isa sa cast ng soap na si Aicelle Santos, at ipinarinig muna ang theme song na inawit ni Rita Daniela na kasama rin sa cast.

Ang Impostora ay GMA-produced TV drama adapted sa isang movie na unang ipinalabas noong 2007. Ano ang masasabi niya na sa kanya ipagkatiwala ang dual role nina Nimfa at Rosette?

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

“Nakakataba po ng puso,” sagot ni Kris. “Hindi ko po inisip na ipagkakatiwala nila sa akin ang roles ng isang mabait at isang salbahe. Pero mas nagustuhan ko po ang role ng salbahe dahil napaglalaruan ko ang role. Pero nalaman ko rin na mahirap pala ang role ng isang kontrabida, kaya lahat bago sa akin, nasanay kasi ako na laging inaapi. Kung minsan, mas gusto ko na lang umiyak nang umiyak sa eksena. Pero nang tanggapin ko ito pagkatapos kong malaman ang roles na gagampanan ko, inihanda ko na ang sarili ko na gagawin ko ang lahat sa bawat eksenang ipagagawa sa akin ni Direk Albert Langitan. Kaya thankful naman ako sa lahat ng mga kaeksena ko na super alalay sila sa akin.”

Aware si Kris na may mga nangba-bash sa kanya at kung minsan ay nagiging emosyonal siya.

“Nahihirapan lang po ako, nasasaktan, na hindi nagugustuhan ng iba ang gusto kong mga improvements naman na ginagawa ko. Isa rito iyong sinasabi nilang ang payat payat ko raw, mukha na raw akong maysakit. Wala po akong sakit, at in fact ang lakas-lakas kong kumain, malakas ang katawan ko at nagdi-gym ako para lumaki ang katawan ko, pero ganito po siguro talaga ang built ko, kahit anong gawin ko.

“Iyong pag-pose ko sa FHM, inisip kong right time na dahil I’m already 28 na at ilang beses na rin akong tumanggi sa offer sa akin. Hindi ko naman ito solong desisyon, hiningi ko rin ang opinion ng GMA Artist Center at ng parents ko at pumayag naman sila bago ko tinanggap ang offer.”

Napangiti naman si Kris nang tanungin kung sino ang mahusay na ka-love scene kina Rafael Rosell at Ryan Eigenmann na pareho niyang leading men sa Impostora.

“Naintriga ako noon kay Rafael, nakili-kiliti ako sa kanya, pero maalalay siya, good kisser, pero nahiya ako noong una naming love scene.”

“Si Kuya Ryan mahusay siya, hindi ko na kailangang umarte, inalalayan din niya ako, pero napaka-gentleman niya.”

Mapapanood na ang Impostora simula sa June 19 sa afternoon block ng Siyete. (NORA CALDERON)