Pinabulaanan ng mga abogado ng Mang Kiko Catering Services Incorporated na food poisoning ang sanhi ng diarrhea outbreak at pagkamatay ng dalawang preso sa New Bilibid Prison (NBP) kamakailan.

Sa press conference kahapon, ipinaliwanag ni Atty. Lorna Kapunan at ng mga kasama niyang abogado na hindi ang mga pagkain na inihain ng Mang Kiko Catering Services ang dahilan ng diarrhea outbreak sa nabanggit na piitan.

Base sa nadiskubre ng mga abogado, batay sa inilabas ng NBP hospital, hindi food poison ang ikinamatay ng dalawang bilanggo kundi hypobolemic shock at hypertension, na walang kinalaman sa pagkain.

Paliwanag pa ng mga abogado, posibleng ang maruming tubig na galing sa deep well ang dahilan ng diarrhea outbreak.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang nasabing catering services ay 11-12 taon nang nagseserbisyo sa NBP. (Jun Fabon)