Nagbuga ng makapal na abo ang Bulusan Volcano sa Sorsogon, na isa sa anim na pinaka-aktibong bulkan sa bansa.
Inihayag ni Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)-Legazpi City sa Albay na dakong 10:29 ng gabi nitong Lunes nang magsimulang magbuga ng abo ang bulkan.
Gayunman, hindi matukoy ng Phivolcs kung gaano kataas ang pinakawalang abo ng bulkan, bunsod na rin ng sobrang dilim ng kalangitan.
Kinumpirma rin ng ahensiya na naapektuhan ng ashfall ang libu-libong residente ng mga barangay ng Cogon at Monbon sa bayan ng Irosin.
Nasa level 1 pa rin ang alert status ng bulkan na 24-oras na imino-monitor ng Phivolcs dahil sa patuloy na naitatalang volcanic activity nito. (Rommel P. Tabbad)