Mga Laro Bukas

(Ynares Sports Arena)

10 n.u. – Zarks vs Racal

12 n.t. – Marinerong Pilipino vs. Cignal

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

NAUNGUSAN ng Batangas ang Wang’s Basketball, 81-79, kahapon para makisosyo sa liderato ng 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naisalpak ng pambato ng Calaca, Batangas na si Cedric de Joya ang game-winner mula sa mintis na three-pointer ni Joseph Sedurifa para sandigan ang Batangas sa ikalawang sunod na panalo at makasama ang Flying V sa maagang liderato.

“Presence of mind na lang niya yun. Ngayon, naiintindihan na niya talaga kung ano ang basketball, “ pahayag ni Batangas coach Eric Gonzales, kasabay ng pagpapasalamat sa kanilang team owners dahil sa ginawa ng mga itong pag-iinvest upang tumaas ang kalidad ng 5-foot-5 na si de Joya.

Nauna rito, buhat sa 15-puntos na pagkakaiwan, 19-34 sa second quarter, naglatag ang mga Batangueños ng 22-5 run upang agawin ang kalamangan, 41-39 sa halftime. Napanatili nila ang kalamangan na umabot pa hanggang 13-puntos, 65-52 sa bungad ng fourth quarter.

Kasunod nito, rumatsada ang Couriers ng 17-2 blast para bawiin ang lamang, 69-67, may 4:11 pang natitira bago gumanti ang Batangas ng 12-6 spurt upang makalamang ng anim na puntos, 45 segundo na lamang ang natitirang oras, ito’y sa kabila ng pagkawala ng isa pa nilang point guard na si John Ragasa na kinailangang isugod sa Medical City matapos hindi na makabalik sa laro pagkatapos masiko sa panga ng Fil-Am forward na si Robert Herndon.

Nauna nang nawala sa Batangas ang starting guard na si CJ Isit na minabuti na lamang pagpahinga dahil sa masama nitong pakiramdam.

Nagtapos na topscorer para sa Batangas na kasalo na ngayon ng Flying V sa liderato si Sedurifa na may 25 puntos limang rebound, tatlong assist, isang steal at dalawang block shots kasunod si de Joya na may 14-puntos.

Nauwi naman sa wala ang personal best na 27 puntos at 14 rebound ni Herndon dahil di niya naisalba ang Wang’s sa pagbagsak sa patas na markang 1-1.

Sa ikalawang laro, nakabangon mula sa kanilang naunang pagkatalo ang Tanduay nang gapiin ang CEU, 75-60,sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang beteranong big man na si Jerwin Gaco.

Hindi pinalaro si Gaco upang maipahinga ang balikat nito na tinamaan noong nakaraang pagkatalo nila kontra Cignal,63-89, ayon kay coach Lawrence Chongson.

“Nag-step up lang ang mga veteran,dun kami nagkulang against Cignal,” pahayag ni Chongson na partikular na tinukoy sina Lester Alvarez at JR Taganas.

Tanging sa unang limang minuto lamang ng laro nakalamang ang Scorpions, 10-2, bago sila na-outscore ng Rhum Masters sa huling limang minuto, upang makuha ang bentahe, 13-12 na hindi nila binitawan hanggang matapos ang laro.

Nanguna sa panalo na nag-angat sa kanila sa markang 1-1, sina Alvarez at Adrian Santos na kapwa may tig-16 puntos habang namuno naman sa CEU na nalaglag sa ikalawang sunod nilang talo si Rod Ebondo na may 20 puntos.

Iskor:

(Unang Laro)

Batangas 81 - Sedurifa 25, De Joya 14, Saitanan 10, Ablaza 9, Ragasa 9, Bautista 8, Mendoza 5, Dela Peña 1, Anderson 0, Laude 0, Isit 0, Napoles 0.

Wangs 79 - Herndon 27, Sorela 13, Habelito 11, Arambulo 6, Juico 5, Riley 4, Asuncion 3, De Chavez 3, King 3, Ambuludto 2, Montemayor 2, Importante 0.

Quarterscores: 14-23, 41-39, 63-52, 81-79.

(Ikalawang Laro)

Tanduay 75 - Alvarez 16, Santos 16, Varilla 11, Taganas 8, Vigil 6, Palma 6, Terso 5, Eguilos 3, Sollano 2, Tambeling 2.

CEU 60 - Ebondo 20, Casiño 11, Manlangit 8, Wamar 7, Cruz 5, Aquino 4, Uri 3, Guinitaran 2, Jeruta 0, Intic 0, Arim 0, Saber 0, Baconcon 0.

Quarterscores: 13-12, 30-28, 60-42, 75-60. (Marivic Awitan)