Sumuko sa militar ang limang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, iniulat ng Philippine Marines kahapon.

Batay sa ulat ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu,ang mga sumukong bandido ay mga tauhan ng Abu Sayyaf sub-leader na si Alhabsy Misaya, na una nang napatay sa isang military operation.

Kasama ring isinuko ng mga bandido sa tropa ng Philippine Marine Ready Force-Sulu ang tatlong long firearms at isang short firearm.

Tumangging kilalanin ang mga sumukong bandido, na isasailalim sa processing at documentation.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ginawa ang pagsuko ng mga bandido matapos na matakot ang mga ito sa walang tigil na operasyon ng militar, lalo na umano nang mapatay ang leader ng mga ito na si Misaya.

Batay sa record, umaabot na sa 72 ang kabuuang bilang ng mga sumuko mula sa Abu Sayyaf simula noong Enero ngayong taon.

Patuloy pa ring nananawagan ang Joint Task Force Sulu sa mga miyembro ng teroristang grupo na sumuko na lang habang may panahon pa upang makapagbagong-buhay.

Hunyo 3 nang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa Tipo-Tipo, Basilan. (Fer Taboy)