Labing-anim na estudyante ang nalason matapos kumain ng boneless bangus sa kantina ng paaralan sa Paoay, Ilocos Norte kahapon.

Hinihintay ng Paoay Municipal Police ang resulta ng pagsusuri ng Department of Health (DoH)-Ilocos Norte sa mga nakuhang food sample mula sa natirang pagkain ng mga estudyante sa Evangelista Elementary School.

Ayon sa pahayag ni Dr. Alfredo Domingo, municipal health officer ng Paoay, nalason ang 16 na bata dahil sa kinaing boneless bangus at kanin.

Aniya, hindi pa masabi kung ano ang dahilan ng pagsakit ng tiyan ng mga estudyante, ngunit sa pagsusuri ni Dr. Joan Galano ay lumalabas na food poisoning ang nangyari sa mga bata. (Fer Taboy)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon