SYLVIA copy

PAGKATAPOS ng isang buwang #operationtaba program ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, malamang na seksing-seksi na ang aktres at baka nga matuloy na ‘yung biruan sa presscon ng Beautéderm products na magpo-pose siya sa men’s magazine.

Napansin kasi ng mga katoto na pumayat na si Ibyang kaya tinanong siya kung kaya niyang magsuot ng two-piece at mag-pose sa men’s mag na kaagad naman niyang sinagot ng pabiro, “Swimsuit lang puwede, ‘yung FHM ‘pag naging 20 inches na ang beywang ko.”

Pero kaagad ding binawi ni Ibyang na hinding-hindi siya magpo-pose sa men’s mag kasi nga ang taba niya at baka ikahiya siya ng asawa at mga anak niya at higit sa lahat, ayaw din naman niya.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

So, para saan ba itong #operationtaba program nilang mag-ina? Kasi araw-araw pala silang tumatakbo sa Ultra Oval simula 7AM.

“Para sa lahat na, para ‘pag may next project, ibang Sylvia Sanchez ang makita nila,” sagot ng aktres sa amin.

Sabagay, para nga naman new look siya lalo na’t gagawa siya ng indie film sa Cinema One Originals.

Nakita namin sa ipinost na video ni Ibyang sa Facebook na tumatakbo siya at inaakyat ang hagdanan at hindi man lang hinihingal, ha?

“It is my pleasure running with you, Miss Elma Muros. Sana makuha ko kahit kalahati ng katawan at muscles mo. Ha-ha-ha, hindi masamang mangarap.

“It’s Monday! Positive outlook in our lifestyle. Good vibes great company. Professional workout with our Olympian partner Ms, Elma Muros #mygreatestloves#motherandsonworkout #friendsworkout #professionalworkout

#balikalindog#healthylife #tiisganda myeverything mylife #family #happiness #blessed#grateful #treasures #priceless #beautederm #beautèdermambassadress#beautèdermphilippines #thankuLORD” post ng aktres.

Sabi ni Ibyang, hinihingal din naman siya, “Hingal sa umpisa, ngayon nakakapag-adjust na pero hingal pa rin konti.”

Almost two weeks nang tumatakbo ang aktres pero ayaw muna niyang malaman kung ano na ang timbang niya, gusto niyang tapusin ang isang buwan bago siya magtimbang.

Ano ang susunod na project niya sa TV pagkatapos ng phenomenal hit na The Greatest Love?

“Sabi nila (ABS-CBN management), meron daw, eh, wala pa namang binanggit kung ano, on the works pa raw. Naghihintay lang ako ng sasabihin nila.”

Maraming TFC subscribers ang nag-uusisa tungkol sa susunod serye series ni Ibyang at kung kailan daw siya magso-show sa San Francisco, San Diego at Los Angeles katulad ng ibang serye na iniimbita roon ng TFC. Nakikita lang daw kasi nila ang TGL star kapag namamasyal o nagbabakasyon.

Sinabi namin ito sa aktres, “Hindi naman nila ako iniimbita ro’n.”

May Sylvianians Global na kaya TFC, try ninyo kayang isama si Mama Gloria sa shows ninyo. (REGGEE BONOAN)