CALATAGAN, Batangas - Basag ang bungo ng isang guwardiya nang matagpuang nakahandusay sa loob ng security outpost ng isang farm sa Calatagan, Batangas, matapos umanong magbaril sa sarili.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Manly Alvaran, 25, taga-Tanay, Rizal.

Ayon sa report ni PO2 Dennis Mira, dakong 7:00 ng gabi nitong Linggo nang matuklasan ng isang kasamahan ang bangkay ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Alvaran habang iniimbestigahan pa ang krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

30 volcanic earthquakes, naitala ng Mayon; nakataas pa rin sa Alert Level 3