Sa selda ang bagsak ng isang binata makaraang ireklamo ng panggagahasa sa isang Grade 5 student, sa Makati City nitong Linggo.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si John Michael Jalosjos y Gozon, 24, ng No. 502 Yakal Street, Barangay Comembo ng nasabing lungsod, matapos umano niyang halayin ang 9 anyos na babae.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), bandang 8:20 ng umaga naganap ang umano’y pang-aabuso sa bahay ng biktima.

Napag-alaman na natutulog ang biktima sa kanyang kuwarto nang pasukin ng suspek at halinhinang hinalay.

Hindi natakot na magsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin, si Jovilyn, na siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 9 at inaresto ang suspek. (Bella Gamotea)

Trillanes, sinopla si Cayetano na wala pa umanong inaaresto sa Senado