CAMILING, Tarlac – Sinasabing dahil sa problemang pampamilya kaya nagawang magbigti ng isang 52-anyos na ama sa loob ng bahay nito sa Purok Pag-asa, Barangay Marawi, Camiling, Tarlac, nitong Linggo ng madaling araw.
Labis na ikinabigla ni Josefina Villanueva ang pagbibigti ng asawa niyang si Reynaldo Villanueva.
Lumitaw sa imbestigasyon ni PO3 Mario Simon, Jr., na bago nagbigti ay gumawa pa si Reynaldo ng suicide note na nakasaad, “Patawarin ninyo ako sa aking mga kasalanan”.
Ipapastol na sana ni Christian Sonido, 34, pamangkin ng biktima, ang alagang baka nang madiskubreng nagbigti ang tiyuhin. (Leandro Alborote)