BALAYAN, Batangas - Patay ang isang private school principal at asawa niyang isa umano sa mga drug personality sa bayan ng Tuy matapos silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Balayan, Batangas, nitong Linggo.

Kapwa dead on the spot sina Raquel Sale, 44, school principal; at Francis Raymond Sale, 43, ikatlo sa drug watch list ng Tuy Municipal Police.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 3:40 ng hapon nitong Linggo at sakay sa kanilang owner-type jeep (DGT-276) ang mga biktima nang pagbabarilin sa Barangay District 8. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!