DUBLIN, OHIO – Tinanghal na kampeon sina Pinoy actor Derek Ramsay at John Estrada sa Jack Nicklaus International Invitational nitong Biyernes (Sabado sa Manila) dito.

Bukod sa tropeo, hindi malilimutan ng dalawa ang premyong natanggap – makaharap ng personal ang host ng torneo at itinuturing legend sa sports.

“I was lost for words,” pahayag ni Estrada, isang 11-handicapper, sa panayam ng New York Times.

Nakaharap nila ang pamosong golfer sa Muirfield Village kung saan isinasagawa ang Memorial tournament.

“We were like our fans when they meet us,” pahayag ng six-handicapper na si Ramsay.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Ginapi ng Pinoy ang karibal na sina Indonesian Edwin Abeng at Pedro Limardo sa New Albany Country Club.

Nakuha nila ang pagkakataon na katawanin ang bansa nang magwagi sila sa Philippine elimination sa naiskor na 69 gamit ang Peoria format.