HALA! Nag-react ang wife ng father at ang half-brother ni Pia Wurtzbach sa lumabas na life story niya sa Maalaala Mo Kaya na ginampanan ni Liza Soberano. Hinihintay ngayon ang sagot ni Pia at pati ng mother niya sa Facebook post ni Robie Asingua at ni Alexander Wurtzbach.
Unang nag-post sa FB si Alexander at sabi nito: “Sa lahat ayaw ko yung sisiraan mo ang patay na wala nang kinalaman yun, eh. Karmahin sana kayo parang walang pinagaralan. Wag mong dadalahin ang apelyido na yan kung alam mo ganyan ugali ng tatay mo. Kala ko ba babaero sya at wala sya kwenta bakit mahal mo pa rin sya. Your (sic) a freeking (sic) liar don’t use my father’s surname if you don’t like him. Your (sic) a millionaire now so change it! Dont say your money will help you, you are a liar!!”
Heto naman ang post ng wife ng father ni Pia: “What a hell are you doing Pia Alonzo Wurtzbach, making a false story oh yeah you are a big lier your papa never ask money from you, shame to yourself...”
“Bweset na batang yan, pwera ba na miss universe sya kung anu2x na an kinwento... Napanoood ko MMK Pia Wurtzbach life story... his father was my pass away husband... His father never ask help from her at all...”
“Bakakon kayo , true... pwera ba nagkapangalan na sya, sisiraan nya ang namayapa nyang ama??? Baka gusto nya ako magpa-interview at nang magkaalaman... kahit nung namatay na yung papa nya nakaburol ni singkong duling wa syay gitabang... kapanalo nya noon sa Bb. Pilipinas.”
May nag-comment na kaibigan ni Robie at sinabing plastic si Pia na sinang-ayunan niya. Nabanggit din nitong dahil ayaw ng gulo ng father ni Pia, ibinigay na lang nito ang lahat ng kanyang properties sa Cagayan de Oro kina Pia, house and lot at dalawa pang hiwalay na lote. Ang sabi raw ng father ni Pia sa ina ni Pia, ibenta ang properties para ipantustos kina Pia at kapatid nito.
“Gusto pa magpasikat sikat naman sana... yung namatay nga si daddy ni singkong duling di tumulong yan... Shame to herself, sana multohin ni Uwe walanghiya sya... cnungaling sana madapa sya ng subra at mawala lahat sa kanya.”
Namatay ang ama ni Pia as per Robie’s post noong December 19, 2013. Tama ang reaction ng mga nakabasa ng post ng mag-inang Robie at Alexander. Side nila ito, hintayin natin ang panig ni Pia at ng kanyang ina. (NITZ MIRALLES)