LIZA AT PIA copy copy

HALOS lahat ay pinupuri si Liza Soberano sa napakahusay niyang pagkakaganap sa Maalaala Mo Kaya story ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng bagong Darna kay Pia.

“Miss Universe herself @PiaWurtzbach for allowing me to to tell her beautiful story through my acting. Love and light to all of you,” post ni Liza sa social media.

‘Yun nga lang, hindi nagustuhan ng half-brother ni Pia na si Alexander Wurtzbach at ng ina nitong si Robie Asingua ang napanood nilang talambuhay ni Pia sa MMK nitong nakaraang Sabado dahil kaagad silang nag-post na may mga kasinungalingan daw sa kuwento ng beauty queen. Siniraan daw niya ang amang sumakabilang-buhay na.

Human-Interest

Hospital levels sa bansa na mahalagang malaman ng bawat Pinoy

Ayon sa mag-ina, hindi raw sila nanghingi ng tulong pinansiyal kay Pia nang magkasakit ang ama nito.

Pinalabas daw ni Pia na babaero ang ama kaya ang suhestiyon ng half-brother niya ay magpalit na lang siya ng apelyido at huwag nang gamitin ang Wurtzbach.

Siguro kailangan lang mag-reach out ni Pia sa mag-ina ng namayapang ama para magkalinawan sila, dahil kung sa social media sila magsasagutan, tiyak na pagpipistahan ng publiko ang away nila.

Hindi umeksena sina Robie at Alexander nang manalo si Pia sa Miss Universe, nang mapanood ang MMK ay saka sila lumitaw. Nangangahulugan na hindi sila nakikisawsaw. (REGGEE BONOAN)