Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. – San Miguel Beer vs Phoenix

7 n.g. – Barangay Ginebra vs Globalport

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAGAMIT ang taglay na insentibo ang kapwa target ng top two teams Barangay Ginebra at San Miguel Beer upang makopo ang unang dalawang semifinals berth sa paglarga ng quarterfinals ng 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Makakasagupa ng Kings na may bentaheng twice-to-beat bilang no.1 squad sa pagtatapos ng eliminations ang huling kabit at 8th seed Globalport.

Nakuha ng Batang Pier ang huling slot nang ungusan ang Alaska Aces, 107-106 nitong Linggo sa MOA Arena.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 7:00 ng gabi matapos ang tapatan ng No.2 Beermen at No. 7 team Phoenix ganap na 4:15 ng hapon.

Kapwa paborito kontra sa kani-kanilang katunggali, gusto pa rin ng Kings at Beermen na mapadali ang biyahe tungo sa semifinals.

Bukod sa import na si Justin Brownlee, sasandigan ni coach Tim Cone para giyahan ang Kings sina LA Tenorio, Joe Devance, Scottie Thompson, Sol Mercado at Kevin Ferrer.

Samantala, umaasa naman si Globalport coach Franz Pumaren na makakasabay ang Batang Pier sa galaw ng Kings.

“I think Ginebra is peaking right. Their team has been there for the longest time, while us, we’re still in the process of trying to feel each other. Hopefully we can match-up, “ pahayag ni Pumaren. (Marivic Awitan)