BILANG bahagi ng anti-illegal drug campaign sa Jalajala, Rizal, naglunsad kamakailan ang Jalajala Philippine National Police (PNP) ng isang proyektong makatutulong sa mamamayan, lalo na sa mga kabataan, na mamulat sa masamang bunga ng ilegal na droga. Ang proyekto ay tinawag na “Lakad ng Pagkakaisa Kontra Droga” at idinaos sa Barangay Punta at JICA Highway sa nasabing huling bayan sa eastern Rizal. Ang Jalajala ay tinaguriang “Paraiso ng Rizal” dahil sa pagiging tahmik at malinis na bayan.

Ayon kay Police Chief Inspector Joseph Macatangay, hepe ng Jalajala PNP, umabot sa mahigit 600 katao ang lumahok sa nasabing proyekto na sinuportahan ng mga lokal na opisyal, sa pangunguna ni Mayor Ely Pillas, chairman ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC); Vice Mayor Jolet de los Santos, Sangguniang Bayan members, Municipal Administrator ElmerPillas, mga opisyal mula sa lahat ng barangay sa Jalajala. Nakilahok din ang mga mag-aaral, mga guro, barangay tanod, mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), mga drug surrenderee at ang mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program, at ang mga pastor sa Jalajala.

Sa bahagi ng mensahe ni Jalajala Mayor Ely Pillas, matapat niyang pinasalamatan ang Jalajala PNP, sa pangunguna ni Police Chief Inspector Joseph Macatangay, para sa makabuluhang proyekto.

Nanawagan si Mayor Pillas sa mga magulang na isuko ang kanilang mga anak na nagdodroga upang matulungan na ma-rehabilitate. Nanawagan din si Mayor Pillas sa mga kabataan na iwasan ang droga sapagkat sisirain lamang nito ang kanilang kinabukasan.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Matapos ang pasasalamat ni Jalajala PNP Chief Inspector Joseph Macatangay, naging tampok na bahagi ng proyekto ang pagsunog sa isang effigy ng drug pusher.

Batay sa tala ng resulta ng kampanya kontra droga sa Jalajala, Rizal, limang barangay na ang ideneklarang drug free community. Ang limang barangay ay ang Barangay Pagkalinawan, Lubo,... Palay-Palay, Barangay Third Daistrict at Barangay Bagumbong.

Ang Jalajala Police ay nagsagawa rin ng drug clearing operation sa nasabing mga barangay sa pamamagitan ng Oplan Tokhang, pagbibigay- payo sa mga sumukong drug user at pusher, pagdakip sa mga drug personality at paglansag sa mga illegal drug activity.

Sa Oplan Tokhang ng Jalajala PNP, nasa pitong pinaghihinalaang drug pusher ang naitumba at umaabot naman sa may 353 drug user ang sumuko. Patuloy pa rin ang kampanya kontra droga. Ang anti-illegal drug campaign ay sinusuportahan ng MADAC na ang chairman ay si Jalajala Mayor Pillas. Sa limang barangay na ipinahayag na drug free, ang MADAC ay bumuo ng resolusyon (Resolution 2016-010) at bilang insentibo ay nagkaloob ng tig-P40,000 in kind. Binubuo ng mga sports equipment na magagamit sa physical activity. (Clemen Bautista)