BILIB si Australian George Kambosos Jr., sa porma at tikas ni Manny Pacquiao sapat para mabuo ang pananaw na kayang manalo ng eight-division world champion via KO sa 6th round laban sa kababayan niyang si Jeff Horn.
Idedepensa ni Pacquiao ang WBA featherweight title laban sa No 2 na si Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Sa panayam ni boxing writer Grantlee Kieza ng Courier Mail sa Australia, iginiit ni Kambosos na mabilis at malakas ang mga bigwas ni Pacquiao kaya hindi tatagal ng anim na rounds ang kanyang kababayan.
Nasa General Santos City ngayon ang tubong Sydney na si Kambosos bilang chief sparring partner ni Pacquiao at nahirapan siyang sumabay sa iniidolo niyang boksingero.
“Manny (Pacquiao) is the best in the world, an 11-time world champion, so fast and there’s a big level of difference (with Horn),” ani Kambosos “Horn is a hungry fighter and I know Manny knows it.”
Kasalukuyang WBA Oceania lightweight champion si Kambosos na may perpektong marka na 12-0 tampok ang anim na knockout. Dati rin siyang Australia at PABA lightweight titlist.
“But I think Manny will knock Horn out within six rounds. Horn won’t last. He can’t get away from Manny’s shots,’’ dagdag ni Kambosos.
Para naman kay Hall of Fame trainer Freddie Roach, maganda na ang kondisyon ni Pacquiaokaya kailangan na nilang magsanay sa South Cotabato. (Gilbert Espeña)