MUKHANG nagtampo na si Maine Mendoza sa bashers na sa kabila ng pakiusap niyang tigilan na ang bashings na gumagamit ng harsh words at may nadadamay nang ibang tao na wala namang kinalaman sa kanyang pag-aartista, tulad ng kanyang pamilya.

Maine 1st anni copyNitong nakaraang Sabado, late afternoon, bigla na lang nagkagulo ang fans niya nang makitang deactivated na ang kanyang Twitter account na @mainedcm. May 4.5million followers ang Twitter account ni Maine. Nagkatanungan kung may nang-hack, wala raw, dahil wala namang lumabas na anonymous account, basta loading lang ito pero walang lumalabas na images.

Pagkatapos ma-hack noon, iginawa na ng mahigpit na security ang account ni Maine kaya hindi na ito maha-hack ulit.

Bago nag-deactivate ang Twitter account ni Maine, nag-tweet pa siya ng, “When peace & love are no longer being served, and whenever u find yourself talking in so much negativity, you have to take a break & reflect.”

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

“Sometimes we have to disconnect to reconnect. Taking a break is necessary to save yourself and others from drowning. I hope we all stop pulling each other down.”

Siyempre pang marami ang nalungkot na wala na silang mababasang update tungkol sa mga ginagawa ni Maine at kay Alden Richards na lang daw ang pag-asa nila. So, kanino nga manggagaling ang updates tungkol kay Maine?

Hindi deactivated ang kanyang Instagram at Facebook accounts, na lesser ang bashers dahil madali silang i-block.

Ang Kuya Nico ni Maine ang nag-post ng: “She deactivated her Twitter account for a reason. She needs a break. Hope you all understand. Don’t worry po, hindi siya galit. But for now, pabayaan muna natin siya. Spread LOVE not WAR.

Thank you and God bless.”

Kahapon, umalis si Maine for a few days break, pero babalik din siya agad dahil may event sila ni Alden this weekend.

Kasama niyang umalis si Ms. Celester Tuviera, Ms. Jenne Ferre of Eat Bulaga at ang older sister niyang si Coleen. Walang binanggit na destination ang nag-tweet na someone close sa Mendoza family.

Matatandaan na noong post-birthday party niya sa Manila Hotel, ang sinabing wish ni Maine kay Lhar Santiago ng GMA News ay gusto niyang magbakasyon sa Maldives. Hindi namin alam kung doon ang tungo niya o may iba siyang pupuntahan.

Ang mahalaga, makapag-unwind si Maine bago sila magsimulang mag-shooting ng new movie nila ni Alden. (Nora Calderon)