BAGO ang kalaban ng sumisikat na si Romero Duno sa kanyang ‘homecoming fight sa Hulyo 7 sa Robinsons Mall Atrium sa General Santos City.
Hahamunin si Duno ni Jason Tinampay sa free-to-the-public card na tinaguriang “Brawl at the Mall: The Homecoming.”
Tangan ni Duno ang 13-1 marka, tampok ang 12 knockout na panalo. Mapapalaban siya matapos ang kahanga-hangang second round. Naitala ni Duno ang impresibong panalo sa dating walang talong si Christian Gonzalez noong Marso 10 sa Belasco Theatre sa Los Angeles, California.
Ayon kay Jim Claude Manangquil, chief executive officer (CEO) ng Sanman Promotions, na nais ng marami ang maipalabas ang programa na original sana niyang makakaharap ay si Rota.
Hawak ni Tinampay ang walong panalo, kabilang ang pitong TKO.
Iginiit ni Duno, kampeon sa WBC Youth Intercontinental matapos magwagi kay Gonzalez, na huling laban niya ito sa Pilipinas dahil nakatakda siyang tumulak sa US para simulan ang trabaho at paglalaro sa pangangasiwa ng Golden Boy Promotions.
“The June 10 card will be Duno’s last fight in the Philippines as he will already start his campaign in the US under his US promoter Golden Boy Promotions,” sambit ni Manangquil.