NAKUNAN ng picture sina Angel Locsin at Neil Arce habang kumakain sa food court ng Uptown Mall sa BGC sa Taguig. Ang sweet ng picture dahil kahit may food sa harap ni Neil, hindi siya kumakain, nakatitig lang kay Angel na pakain na.
Kapansin-pansin siyempre na hindi sa sosyal na restaurant kumain ang dalawa kundi sa food court, nasa styrofoam pa yata ang food at parang plastic ang fork and spoon.
Ibig sabihin lang nito, hindi makiyeme o particular sa status ang dalawa at hindi pasosyal dahil kung saan nila gustong kumain ay doon kakain.
Makikita rin sa picture na twinning ang suot nina Angel at Neil, usong term ito ng millennials na ang ibig sabihin, magkapareho ang suot -- white t-shirt at black pants. Saka naka-sandals lang si Angel, hindi siya ayos-artista nang makunan ng naturang photo.
Pero kapansin-pansin ang dalang bag ni Angel na nakalagay sa mesa, mamahalin. Sabi ng isang netizen, Hermes daw ang bag, pero kinontra siya ng isa pang netizen na ang sabi’y Celine ang bag ni Angel -- na mamahalin pa rin.
Ang inaabangan ay kung kailan ipagpoprodyus ni Neil ng pelikula si Angel. Si Neil ang producer ng N2 Productions na nakikipagsosyo sa Viva Films. Ang magiging problema lang kung sakali, baka hindi ipahiram si Angel ng ABS-CBN kay Neil.
Anyway, malapit nang mapanood sa primetime ng ABS-CBN si Angel dahil malapit na ang airing ng La Luna Sangre na may special participation siya kasama si John Lloyd Cruz. Sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Richard Gutierrez ang bida ng teleserye na ngayong gabi na ang grand press launch. (Nitz Miralles)
