Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ni Julius Segovia, ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes ay magtatapyas ito ng 90 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, habang magbabawas naman ng 55 sentimos sa gasolina.

Dahil sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, ssahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong oil price rollback na ipinatupad ng Flying V.

Mayo 30 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Shell, ng 85 sentimos sa kada litro ng kerosene, 75 sentimos sa diesel, at 55 sentimos naman sa gasolina. (Bella Gamotea)

Trillanes, sinopla si Cayetano na wala pa umanong inaaresto sa Senado