IBARAKI, Japan -- Nakawala sa mga kamay ni Angelo Que ang liderato sa final round, sapat para malaglag sa sosyong ikalimang puwesto sa pagtatapos ng Japan Golf Tour’s JGT Championship Mori Building Cup nitong Linggo sa Shishido Hills Country Club.

Nahulog ang one-time Philippine Open champion sa two-over par sa front nine nang magtamo ng magkasunod na bogey mula s No.8 at nabigong makabawi para sa iskor na 73.

Nasa sosyong liderato si Que sa pagsisimula ng final round, subalit hindi niya naproteksyunan ang bentaheng taglay tungo sa kabuuang 2-over 279 para sa sosyong ikalimang puesto na may premyong ¥5,450,000 (P2.4 milyon).

Kasama niya si Japanese Yoshinori Fujimoto, umiskor ng closing round 69, at Brad Kennedy ng Australia, kumubra ng 71.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?