HINDI natuwa ang mga nakabasa sa panawagan ni Robin Padilla na suportahan ang pagdeklara ng martial law (hindi nilinaw kung ‘yung martial law sa Mindanao lang o sa buong bansa) at revolution.
May nag-comment na mauna si Robin sa Marawi City at siya ang makipaggiyera sa Maute at tulungan ang mga sundalo sa pakikipaglaban sa kaaway ng gobyerno.
Mahaba ang post ni Robin sa social media:
“Ang bayan ay nakararanas ng muling pananakop ng dayuhan... ISIS yan ang pinakamalawak na banta sa Inangbayan.
Napakaliit ng Pilipinas at napakalayo sa west pero lagi tayong sabit sa lahat ng pangdaigdig na kaganapan lalo ng kaharasan dahil tayo mula noon hanggang ngayon ay mayaman sa lahat ng bagay ang Las Islas Filipinas kaya’t walang patid na pinamugaran ng mga dayuhan at makadayuhang interes... at ang idinulot nito ay pagkatulog ng mga Anak ng bayan dala ng pagkaabala sa kinang ng showbiz at eskandalo sa pulitika, nawalan na ng lakas ang lahing kayumanggi dulot ng pag-aaway sa pulitika at sa paggamit sa kayamanan ng Inang bayan... Kailangan maging matapang ang mga Pilipino... Maging makabayan... Magkaisa!!! Support Martial Law... Support your revolution!!!”
Pero kung may mga nagkomento na hindi pabor sa panawagan ni Robin, mas marami ang pabor sa martial law. Batay ito sa comments ng followers inya sa social media. (Nitz Miralles)