Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

10 a.m. - Flying V vs Gamboa Coffee Mix

12 n.n. - Cignal HD vs Zark’s Burger

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng Flying V na maisulong ang matikas na kampanya sa pagsalang kontra sa veteran core ng Gamboa Coffee Mix ngayon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup saYnares Sports Arena sa Pasig.

Nagparamdam agad si Jeron Teng nang pangunahan ang Thunder sa paglabo ng Cignal HD, 86-84, sa opening day.

Gayunpaman, hindi kampante si coach Eric Altamirano bunsod ng katotohanan na malayo pa ang laban.

“We’re still a work-in-progress. We have to keep what we’ve been doing right and we can’t overlook anybody this season,” pahayag ni Altamirano

At hindi naman nalalayo ang kanyang iniisip sa sitwasyong susuungin sa pagsabak kontra Coffee Lovers na nagpakita ng kanilang kaalaman bilang mga beteranong players sa kabila ng maikling panahon ng kanilang pagsasama-sama matapos ang itinalang come-from-behind 85-84 panalo laban sa over Zark’s Burger noon ding opening day.

Para kay playing-coach Leo Avenido, ganito ang magiging takbo ng kanyang koponan kontra sa mga mas nakababatang mga kalaban.

“Although mga bata at mga prospects sa PBA ang lalabanan namin, lalaban naman kami. Kahit medyo late kami nagumpisa, nakikita ko naman na nandoon na yung sistema. Game shape na lang ng individual players namin ang kailangan,” ani Avenido.

Ganap na 10:00 ng umaga ang sagupaan ng Flying V at Gamboa na susundan ng tapatan ng Cignal HD at Zark’s Burger ganap na 12:00 ng tanghali.

Ito ang ikatlong laban para sa Hawkeyes at umaasa si coach Boyet Fernandez na hindi aabutan ng pagod ang kanyang mga manlalaro kontra sa palabang Jawbreakers.

“We’re on a sprint this first few weeks, but I’m confident naman on my boys against Zark’s. They have a strong team led by Robby Celiz and they are playing well, so we just have to be ready for them,” ani Fernandez. (Marivic Awitan)