France Tennis French Open

PARIS (AP) — Walang dating kampeon at liyamadong player sa quarterfinals. At siguradong bagong kampeon ang kokoronahan sa women’s class ng French Open.

Isa-isa, nasibak ang mga seeded at dating kampeon sa laban nang magapi sina defending champion Garbine Muguruza, Venus Williams, Svetlana Kuznetsova at Samantha Stosur.

Nagapi si Muguruza ni 13th seeded Kristina Mladenovic, 6-1, 3-6, 6-3 sa dinagsang Court Suzanne Lenglen. Hindi naman naibigan ng dating kampeon ang pag-iingay ng crowd para i-cheer ang kanyang karibal na Frenchwoman.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“The crowd was really tough today,” sambit ni Muguruza.

“Sometimes, (fans) should be a little bit more respectful.”

Matapos masibak, sunod na umalagwa si seven-time major champion Williams kontra 30th-seeded Timea Bacsinszky 5-7, 6-2, 6-1 sa Court Philippe Chatrier.

“She had so many answers today,” sambit ni Williams patungkol sa katunggaling tumalo rin sa kanya sa fourth round sa nakalipas na taon.

Nasibak naman si Kuznetsova, 2009 French Open at 2004 U.S. Open champion, ni two-time major runner-up Caroline Wozniacki 6-1, 4-6, 6-2, habang nasilat si 2011 U.S. Open champion Stosur ng 19-anyos na si Jelena Ostapenko ng Latvia 2-6, 6-2, 6-4.

Sunod na makakaharap ni Mladenovic si Bacsinszky, habang magtutuos sina Wozniacki at Ostapenko.

Lahat ng walong plater sa fourth round ay nagtatangka ng kanilang unang career major title. Ito ang unang pagkakataon na walang dating kampeon na nakausad sa quarterfinal sa French Open at sa anumang major tournament mukla noong 1979 Australian Open.

Sa men’s division, umusad sina nine-time champion Rafael Nadal at defending champion Novak Djokovic sa magaan na pamamaraan.

Sunod na makakaharap ni Nadal si No. 20 Pablo Carreno Busta, at magtutuos sina Djokovic at No. 6 Dominic Thiem.