KABILANG sina Ariana Grande at Demi Lovato sa mga bituin na nagpaabot ng panalangin sa London kasunod ng terrorist attack noong Sabado.

“Praying for London,” saad ni Ariana sa Twitter na sinundan ng heart emoji.

Ibinahagi rin ni Demi ang parehong mensahe na sinamahan ng heart at praying hands.

Ibinahagi rin ni Joe Jonas sa social media ang link sa official Twitter page ng Metropolitan Police ng Londo kasama ang mensaheng, “Praying for London. Stay safe.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pinuri ng British singer na si Ellie Goulding ang mga opisyal sa lugar ng insidente nitong Sabado ng gabi at nagbahagi ng powerful message sa followers. Aniya, “Incredible work by emergency services. Another senseless attack that still won’t divide us. Love you so much London”.

Nag-post ang Blink-182 rocker na si Mark Hoppus ng, “Love to everyone in London. Stay strong,” at sumulat naman si Ryan Adams ng, “London, I love you. My thoughts are with you. Please be safe. #LondonBridge”.

Ang Spider-Man actor na si Tom Holland ay nagpaabot ng, “My heart goes out to everyone in London tonight. Absolutely Heartbreaking,” at ang model-turned-actress na si Cara Delevingne ay nagbahagi ng mensahe sa Instagram kasama ang litrato ng police guidelines para sa pag-uulat ng mga terrorist attacks, at nagpayong, “Run, Hide, Tell.”

“My heart is with you London. Please can everyone stay safe. This is beyond tragic but we must stand together and not let this break us,” sulat ni Cara. (Cover Media)