Limang pagyanig ang naramdaman sa palibot ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, habang isang rockfall event naman ang naitala sa Mayon Volcano.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang naturang pagyanig ng Bulusan at pagdausos ng malalaking tipak ng bato sa Mayon ay naramdaman sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, namataan din nila ang pagbuga ng abo ng Mayon na gumapang sa paanan nito bago tuluyang napadpad patungo sa hilagang-silangan ng bulkan.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng ahensiya sa publiko na pumasok sa ipinaiiral na permanent danger zone (PDZ) ng dalawang bulkan, dahil na rin sa maidudulot nitong panganib sa malaking posibilidad na sumabog ito anumang oras.
Ang Bulusan at Mayon ay kabilang sa anim na pinakaaktibong bulkan sa bansa. (Rommel P. Tabbad)