Pinagbabaril hanggang sa bumulagta ang isang dalaga sa harap ng kanyang ina sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital si Leah Espiritu, 31, ng Reparo Street, Barangay 78 ng nasabing lungsod, nang makailang beses paputukan sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa report kay Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, bandang 5:16 ng umaga nangyari ang pamamaril sa labas ng bahay ng biktima.

Naglalaba umano si Espiritu, at nanay niyang si Lorna, nang sumulpot ang armado na lulan sa motorsiklong walang plaka at pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

National

Pagsuko ni Revilla, 'di tanda ng pagiging 'guilty' niya—kampo

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)