Bea copy

SINASAGOT ni Bea Binene ang mga tanong tungkol sa kanyang ama, pero hindi na nag-i-elaborate.

Five years nang hindi nakikita ni Bea ang ama, five years na hindi sila nakakapag-celebrate ng Father’s Day at ganu’n pa rin ang mangyayari this year.

“Wala na talaga, wala kaming communication, but I just want him to take care of himself. Alam ko very proud siya sa akin, pinapanood niya ako at alam kong magiging proud siya sa akin dito sa Mulawin vs Ravena. Alam niyang gusto ko ng action at ito na ‘yun,” sabi ni Bea.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon naman sa mom ni Bea, mag-isa niyang itinataguyod si Bea at ang sister nitong si Benice.

“I’m a proud single mom!” wika ni Carina Binene.

Anyway, this week na lalabas si Bea sa Mulawin vs Ravena bilang ang nagdalagang si Anya. Pressured nga raw siya dahil umani ng papuri si Little Anya na ginampanan ni Leanne Bautista. Dapat daw ma-sustain niya ang kahusayan ng bata.

“Si Anya ay adventurous at motivated at ganu’n ako, kaya nakaka-relate ako sa kanya. Matapang daw si Anya, matigas ang ulo at marami ang pinagdadaanan. Sana magampanan ko ng mahusay ang role ni Anya,” wish ni Bea.

Si Alwina ang favorite character ni Bea sa original na Mulawin at hindi man ‘yun ang ibinigay sa kanya, masaya pa rin si Bea maging part ng Mulawin vs Ravena.

“Expect a lot of flying and fight scenes from Anya. Nag-harness training din kami at dahil friend ko ang fight director, sumasama ako sa training nila. Gusto ko maging action star na gumagamit ng guns. Wala ‘yun sa Mulawin vs Ravena, iba ang gamit namin sa fight scenes, pero enjoy pa rin ako,” pagtatapos ni Bea. (NITZ MIRALLES)