Tatlong anggulo ang maaaring ikonsidera sa pagpaslang sa alkalde ng bayan ng Marcos sa Ilocos Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Balita kahapon, sinabi ng pulisya na maaaring may kinalaman sa away sa lupa, sa pulitika o sa selosan sa pag-ibig ang pagpatay kay Marcos Mayor Arsenio Agustin.
Nabatid kahapon na sinimulan na ng Special Investigation Task Group ang pangangalap ng matitibay na ebidensiya para matukoy ang salarin.
Matatandaang pinagbabaril ang alkalde, kasama ang kanyang driver na si Rusmar Valencia, 35, kapwa taga-Barangay Daquioag sa Marcos habang nag-iinspeksiyon sa isang pagawain.
Nabatid na may dalawa pang tao ang nasaktan sa insidente matapos masugatan sa pagtalsik ng bato, sila ay sina Camilo Vasquez, 60, laborer; at Nolan Valencia, 18, laborer, parehong residente ng Bgy. Mabuti sa Marcos.
(Liezle Basa Iñigo)